"Mama Flor" Sa Iyong Ika-85 Na Kaarawan

30 Nov 2012 7:30 AM | Deleted user

Tula handog sa iyo ni Lyvia at Rudy
katha ni Lyvia Mendoza-Villegas, GN’68, BSN’71, MA, RN, FNP


Nuong taong 1927, ika 21 ng Nobyembre
Isinilang ang napakagandang sanggol na babae
Sa lakas ng kaniyang iyak, nabasag ang elepante
Hindi na naibalik sa antigong estante.

Ganyang kalakas ang karisma ni Floresinda
Sagana sa tuwa ang lahat na makilala
Pakinggan ang kaniyang kuwento na nakatatawa
Ang iyong kalungkutan ay tiyak na mabubura.

Si "Mama Flor", unang Pangulo ng UPNAAI
Nararapat lang siya’y tawaging "Nanay"
Maalab ang puso, matalino at mahusay
Pagmamahal sa Diyos ang lagi niyang alay.

Una kong nakilala si "Mama Flor" sa San Francisco
Sa reunyon ng UPNAAI kami ay nag-duweto
Hindi sa awitan kundi sa pagko-komiko
Bale ba ang usapan, tungkol sa prostate at testiculo.

Sayang at walang pruweba sa awdyo at bidyo
Hanggang ngayo’y dinig ko pa ang tawanang kay gulo
Kinilig ang mga lalake, palakpakang maatikabo
Ang taong ‘mil dos hindi malimutan ng mga tao.

Ang suwerte namin at kami’y nasama sa nakumbida
Sa haba ng listahan kami ay napili pa
Kaya kami’y nagpa-pasalamat mahal na "Mama"
Ito’y habang buhay, ‘di malimutang magandang ala-ala.

Sa pagdiwang ngayon ng iyong kaarawan
Palibot ng iyong pamilya at mga kaibigan
Aming ipagdarasal ang iyong kalusugan
Ng isip, puso, at ng buong katawan.

Kung ipagpapatuloy ang tula hanggang sa kinabukasan
Nag-iisa na lang ako rito sa magandang bulwagan
Kaya hanggang dito na lang ang katha ng isipan
Salamat "Mama Flor", Maligayang Kaarawan!


 

"Mama Flor" Sison Castelo's 85th Birthday Party on 11/24/2012, Banning, CA (Seated L-R: Emerita "Emy" Geluz Goodrich, "Mama Flor".: Standing L-R: Rudy Villegas, Tom Mercado, Naty Matitu-Mercado, Merle Flores Borrero, Nelson Borrero, Lyvia Mendoza Villegas, Iren Bobis Roldan, Jesusa "Toots" Santa Barbara Czach, Charito "Chato" Ansay)





Powered by Wild Apricot Membership Software